Show ng TVJ Magsisimula Na, Titulo Ng Show Hindi Na Magiging Eat Bulaga

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat na ng TVJ ang magiging pamagat ng kanilang show na noon pa man ay naging laman na sa mga usap-usapan sa social media.


Malinaw na rin nilang ipinahayag na hindi na umano Eat Bulaga ang magiging title ng show nila sa TV5. Ipinahayag pa nilang may ilang mga title umano silang pinag-iispan gamitin sa ngayon pero hindi pa sila nakakapili ng iisa at panay pa ang kanilang pag-uusap.


Samantala, isa sa mga narinig ng ilang mga malapit sa TVJ ay ang katagang "This Is Eat" kung saan, naroon pa rin sa kanilang panibagong title ang salitang 'eat' mula sa binuo ni Joey De Leon na orihinal na title ng Eat Bulaga.


Subalit, ayon kay Tito Sotto, isa lamang ang 'This Is Eat' sa mga pinagpipilian nilang titulo, dahil meron pang ibang mga suggestions. Pero ang sigurado, hindi pa nila pwedeng gamitin ang Eat Bulaga para sa programa dahil hindi pa naaaprove ang ownership na kanilang inaplly sa Intellectual Property Office of the Philippines. 


Kung pipilitin kasi nilang gamitin ito, maari silang idemeanda ng mga Jalosjos. Kaya naman para makaiwas sa malaking gulo na kanilang susuungin kung itutuloy nila ang laban na makuha ang titlong Eat Bulaga dahil kasalukuyan pa itong nakaregister sa mga Jalosjos.


Ayon pa kay Tito Sotto, kasado na rin ang pagsisimula nila sa TV5 sa darating na July. Pinag-iispipan pa umano nila na mismong July 1 sila mag uumpisa sa pag-ere, mismong araw ng sabado o kung sa lunes ng July 3, subalit nasa dalawang araw na ito ang sigurado  magiging first day nila sa pag ere kung saan papalitan na nila ang timeslot ng I'ts Showtime. 


Kaya naman magiging magkatapat ang Eat Bulaga ng GMA7 at ang show ng TVJ sa TV5. 


Samantala, nalulungkot naman ang mga fans ng iconic trio kung hindi mapapasakanila ang titulong Eat Bulaga dahil ang ibig sabihin nito hindi nila maipagdiriwang ang kanilang ika-44 years bilang dabarkads on national TV. Ibig sabihin ang magdiriwang nito ay ang mga bagong dabarkads sa GMA7 na hindi umano katanggap-tanggap.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo