Reaksyon Ni Sharon Cuneta Na Ireremake Ni Barbie at David Ang Maging Sino Ka Man Movie!

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely

 

Nagbubunyi ngayon ang mga fans nina Barbie Forteza at David Licauco dahil sa napapabalitang gagawin nila ang remake ng pelikulang Maging Sino Ka Man na unang pinasikat nina Mega Star Sharon Cuneta at Robin Padilla.


Ang pelikulang Maging Sino Ka Man noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla ay tumabo sa takilya noon at naging blockbuster hit. Kaya naman marami sa mga fans nina Barbie at David ang talaga namang naexcite ng todo sa darating nilang remake movie adaptation.


Samantala, umani naman ng samu't-saring reaksyon ang naging pagbati ni Barbie Forteza sa kaarawan ni David Licauco.


"Happy birthday! 


Maging masaya palagi at wag pababayaan ang sarili. Congrats sa lahat! Enjoy your special day, Ginoo 

@davidlicauco"


Marami naman ang agad na kinilig sa pagbating ito ni Barbie, talagang hindi nila napipigilan ang maramdaman ito kahit pa hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may nobyo si Barbie Forteza na walang iba kundi si Jak Roberto.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, maging ang dating star ng Maging Sino Ka Man na si Sharon Cuneta ay masaya rin na magkakaroon ng remake ang isa sa kanilang hit movie noon.


Excited din umano si Mega Star sa magiging kalalabasan ng pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo