Sampal Nga Ba Sa Mukha Ni Vice Ganda Ang Paglipat Ng It's Showtime Sa GMA?

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN kung saan opisyal nilang kinumpirma na aalis na sa bakod ng TV5 ang Kapamilya show na It's Showtime at lilipat na umano ang mga ito sa subsidiary channel ng GMA7 na GTV.


Tila naitsapwera umano ang It's Showtime sa  paglipat ng TVJ sa TV5 dahil ibinigay ng nasabing network ang dating timeslot ng It's Showtime sa tuwing tanghali.


Binigyan naman umano sila ng option na lumipat na lamang sa delayed telecast sa tuwing alas 4:30 ng hapon subalit hindi na ito tinanggap ng show.


Samantala, may ilang mga netizens naman na nagsasabing ano kaya ang magiging reaction ni Vice Ganda kung magkakasalubong sila ni Jessica Soho na noon pa man ay labis na niyang inookray.


Matatandaan na sa isang concert ng komedyante, makailang beses niyang pinagtawanan at ginawang katatawan sa lahat ang panlabas na anyo ng Kapuso journalist, host at news anchor na si Jessica Soho.


Humingi naman na umano ng tawad si Vice Ganda kay Jessica Soho subalit hindi pa rin maiwasan na magiging awkward sila sa kanilang pagkikita.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo