Aling Puring Puregold Iniwan Sa Ere Ang Mga Jalojsos! Todo Suporta Sa TVJ

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


Aling Puring ng PureGold kasama pa rin ng TVJ kahit lumipat na ang mga ito sa TV5.


Sa inilabas na bagong larawan ng TVJ, masayang isiniwalat nila sa kanilang mga tagahanga na kasama ng kanilang pagere muli sa television ang Aling Puring ng PureGold.


Katunayan sila ang unang  sponsor na nagpakita ng suporta sa iconic trio simula nang kumalas ang mga ito sa Tape Inc. Ayon sa isang legit source tuluyan na ring iniwan ng PureGold ang TAPE Inc, kaya naman kahit may kontrata pa at nakapagdownpayment na ang mga ito para sa sponsorship sa Eat  Bulaga ng GMA7 ay hindi na umano nila ito itutuloy.


May mga nagsasabi pang ipu-pull out na umano ng PureGold ang kanilang investment sa Eat Bulaga.


Maging ang iba pang naglakihang mga brands ay nakipagkita na rin umano sa TVJ.


Maging ang Jag Jeans ay talagang nagpabillboard pa para ipakita ang kanilang pagsuporta sa TVJ. Ipinahayag nila na sasama sila sa isang libo't isang tuwa  sa darating na July 2023.


Agad naman itong nirepost ng TVJ sa kanilang social media page kalakip ang kanilang pasasalamat sa mga ito.


Sa natatanggap ngayon ng TVJ na suporta sa kabila ng kanilang pagtiwalag sa TAPE Inc. isang patunay lamang na sila talaga ang totoong Eat Bulaga.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung ano ang magiging pamagat ng kanilang show dahil hindi pa umano nila maaaring gamitin ang pamagat na Eat Bulaga dahil ongoing pa rin ang reklamo nila laban sa TAPE Inc.


Sa kabila nito, nilinaw naman ng TVJ na wala silang balak na sumuko sa pagkuha sa pamagat na Eat Bulaga na sila naman umano ang gumawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo