Tinuturong Hudas Sa Eat Bulaga, Nagsalita Na

Huwebes, Hunyo 22, 2023

/ by Lovely


Nagsalita na ang pinaghihinalaang traydor ng Eat Bulaga na si Allan K.


Matatandaan naging malaking palaisipan para sa mga netizens kung bakit hindi kasama ang host na si Allan K sa mga nagresign hosts ng Eat Bulaga kasunod nang pag-alis ng TVJ sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.


Lumabas naman sa ilang mga blind items ang pangalan ni Allan K na siyang itinuturong tumraydor sa TVJ. Kaya naman naglabas na ng pahayag si Allan hinggil sa nasabing isyu.


Ayon kay Allan, imposible umano na siya ang tinutukoy dahil batid daw ng TVJ na sina Tito,  Vic at Joey kung gaano siya ka-loyal. Hinding-hindi rin umano siya pagdududdahan ng mga ito.


Ayon pa kay Allan, nagsimula siguro ang mga haka haka hinggil sa kanyang pagiging hudas diumano sa TVJ nang siya ay hindi nakapirma sa resignation letter.


Nilinaw naman ni Allan K na sa panahong nagpirmahan ang iba pang mga dabarkads nakaalis na siya sa studio dahil inasikaso niya ang kanyang comedy bar.


Nilinaw pa niya na hindin-hindi niya magagawa ang traydurin ang TVJ.


Samantala, tila may katuturan naman ito dahil kasama si Allan K sa in-official poster ng panibagong show ng TVJ sa TV5.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo