Ricci Rivero, Nagsalita Na Sa Isyung Inaalagaan Siya Ng Bading

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sinagot at nagbigay na ng pahayag ang basketball player na si Ricci Rivero sa naging hiwalayan nila ng actress na si Andrea Brillantes.


Nilinaw din niya maging ang ilang mga issue na kumakalat at binabato sa kanya ng ilang mga netizens kaugnay sa hiwalayan nila.


Kabilang sa mga naitanong ni Boy Abunda kay Ricci Rivero ay ang isyung may nag-aalaga at karelasyon umano itong bading.


Agad naman itong sinagot ni Ricci Rivero at pinabulaanan ang isyu.


“Tito Boy, sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQ community. Sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na yan kasi simula po noon, nu'ng napasok po ako sa industry dito, even sa basketball naman, marami po akong nilu-look up, yung personality nila, the way they carry themselves.”


“Hindi naman po aabot sa romantic relationship,” pagpupunto pa ni Ricci Rivero.


Nilinaw din ni Ricci Rivero na hindi siya bading at straight siyang lalaki.


Matatandaan na may kumakalat noong usap-usapan na may nag-aalagang bading kay Ricci Rivero na siyang naging pangunahing dahilan ng hiwalayan nila ni Andrea Brillantes.


Maging ang ilang mga veteran columnist ang nagsabing totoo ang chismis na ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo