Paolo Contis Naglabas Ng Mga Private Messages Nila ng TAPE Inc.

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Sa kamakailang guesting ni Paolo Contis sa The Boobay and Tekla show ng GMA7 naisiwalat niya na nagpadala siya ng private messages sa TVJ.


Hindi umano diretsahang kay Vic Sotto niya ipinadala ang mensahe kundi sa malalapit sa mga ito na may contact siya.


Ayon kay Paolo Contis, nagpadala siya ng private message kay Pauleen Luna para makarating ito kay Vic Sotto. Kay Joey De Leon na tinatawag pa niyang kumpare.


Ipinahayag niya sa mga dating hosts ng Eat Bulaga ang kanyang pasintabi at hinihiling din umano niyang makausap niya ng mabuti ang TVJ.


Para kay Paolo Contis ay hindi nararapat na magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng mga bagong hosts at mga naunang hosts ng Eat Bulaga.


“Nung tinanggap ko yung trabaho sa 'Eat Bulaga,' para sa akin importante na makapagpasintabi ako lalo na sa mga naging close ko. 


”Of course sa akin trabaho yun, kailangan kong gawin. So, nagpasintabi ako kay Bossing Vic Sotto through Pauleen, nag-message ako kay Pauleen. 


“Si Tito  kasi, kumpare ko. So nag-message ako sa kanya para magpasintabi lang, letting him know na I meant no disrespect and hopefully, we can talk eventually."


“Sa akin, importante lang na alam nya yung nasa puso ko. Regardless kung nagreply sya or not, meron akong kaibigan na nakausap nya, nalaman ko na somehow okay sya doon. Alam niyang trabaho lang. 


“Honestly, wala ako makitang reason, on a personal level, bakit kami hindi magiging okay kasi wala naman kaming ginagawa na idisrespect sila. I would love to work with Tito, Vic, and Joey. Maliit lang ang showbiz,” pagbabahagi pa ni Paolo Contis.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo