Vice Ganda Nagparinig Sa TV5, May Hirit Sa Partnership ng 7 at 2

Lunes, Hunyo 26, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon online ang mga binitiwang salita ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime.


Ayon sa ilang mga netizens, tila nagpasaring umano ang komedyante sa TV5 sa kanyang pagbibiro.


Sa episode ng It's Showtime nitong June 23, 2023, byernes, pinapili ni Vice ang mga madlang pipol kung ano ang number na gusto ng mga ito na piliin  sa sampung card ng magsisilbing 'computerist'.


“Anong number ang gusto n’yo?” tanong ni Vice sa Madlang Pipol.


Napansin naman nila na karamihan sa mga Madlang Pipol ay 5 ang pinipili kaya naman nagbigay ng payo si Vice na mas magandang piliin ang number 7.


“Dahil magkakaiba, ako na ang pipili. Seven ang number natin,” suggestion ni Vice Ganda.


Samantala, dahil dalawa ang kailangan nilang hosts, muling tinanong ng iba pang hosts si Vice kung ano ang magandang kapartner ng 7, agad naman itong sinagot ni Vice at sinabing ang number 2.


“Sino kaya ang magiging kapartner niya, Meme?”


“Ang magandang ka-partner ng 7 ay number 2,” sagot naman ni Vice Ganda.


Agad naman itong binigyan ng malisya ng mga netizens at iniisip na pasaring ito ni Vice sa mismong TV5 na naging partner nila sa loob ng isang taon.


Tila ipinamumukha umano ni Vice na hindi magandang kapartner ng It's Showtime na dating nasa channel 2 ang TV5 kundi ang 7.


Matatandaan, na naunang ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang kasiyahan dahil may network umanong tumanggap sa kanila matapos silang tanggihan ng TV5.


“Masayang-masaya. Noong ibinalita sa amin, siyempre emosyunal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, yung parang nawalan ka ng tirahan tapos biglang may kukupkop na naman sa iyo.


“We feel so special and we are very grateful to GTV,” pahayag pa noon ni Vice Ganda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo