Gigi de Lana, Inokray ng Bashers sa Pagpapa Auction ng Dalawang Croptops na Gamit sa Viral Video

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Tumataas ngayon ang kilay ng mga bashers ng actress-singer na si Gigi de Lana dahil sa pagpapa-auction niya sa kanyang mga damit na sinuot niya sa mga importanteng events sa kanyang career.


Sa pamamagitan sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Gigi ang pagpapa-auction niya sa ilang mga damit na sinuot niya sa ilan sa kanyang mga viral photos, kabilang na noong nag-viral ang kanyang pagkanta ng Bakit Nga Ba Mahal Kita at Through The Fire.


"Own a Piece of OPM and YouTube PH History! Gigi Vibes Auction 02

LATEST BID: 68 K Php !!! 


Up for grabs is the iconic crop top worn by Gigi De Lana in the viral sensation "Bakit Nga Ba Mahal Kita" music video. This one-of-a-kind item will be framed and personally signed , plus a chance to meet ang Gigi De Lana and The Gigi Vibes !  Serious bidders only. Invalid bids will be deleted. For private bids, please email us at ggvibesband@gmail.com or message Rose Ann Bobis  sa FB.  The winner will be contacted and confirmed by our team.

Tara, bid tayo!"


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. May mga nagsasabing ano ba ang tatak ng damit ni Gigi de Lana dahil napanahal naman ng pagkakabenta nito na talagang umabot pa sa 68 thousand pesos.


Samantala, hindi naman ito alintana ng ilang mga fans ni Gigi lalo na't alam nila kung bakit niya ito ginagawa ngayon. Matatandaan na kamakailan lamang ay ibinalita ni Gigi na nadiagnose ang kanyang ina ng stage 4 breast cancer.


"I don’t seem to understand why people are making fun at this post. If kayo din naman asa situation nya you’ll do EVERYTHING para lang mapagaling nyo ang mga mahal nyo sa buhay and cleary this is for a GOOD CAUSE. Be nice people. You wouldn’t know the struggle until you experienced it. Be kind."


"Bid for a cause. Prayer for you Ms. Idol Gigi De Lana and your mother's recovery. Keep safe always "


"HIGH RESPECT FOR THIS POST. This is to support her mom who has cancer... So share some love and prayers"


"Anong tatak ng croptop?"


"Nilabhan na po ba ung croptop madam Gigi De Lana ?"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo