Patutsada Noon Ni Vice Ganda Sa GMA7, Inalala Ng Mga Netizen

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Agad na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pagkakalipat ng It's Showtime sa isang subsidiary channel ng GMA7 na GTV.


Marami ang nagsasabing napakabilog talaga ng mundo dahil sa mga naging pahayag ni Vice Ganda noon laban sa It's Showtime.


Matatandaan na maraming beses ding pinatutsadaan ni Vice Ganda noon ang GMA7 noong hindi pa napapasara ang ABS-CBN.


Kaya naman ng mapabalitang lilipat na ang It's Showtime sa GTV sa darating na July 1, pinagtatawanan ngayon si Vice Ganda dahil sa panlalait nito noon sa nasabing network.


Sa kabila nito, natutuwa naman ang ilang mga netizens lalong lalo na ang mga It's Showtime fans dahil mapapanood pa rin nila ang show at may panibagong channel na tumanggap sa kanila.


Maging ang chairman ng GMA7 na si Felipe Gozon ay masayang winelcome ang It's Showtime isiniwalat din niyang may magaganap na contract signing sa pagitan nila,


"We are happy to provide a home to "It's Showtime." We will have a big contract signing soon," pahayag ng GMA Network chairman.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga fans ng Kapuso network ang binabatikos at binabalikan ang dating pahayag noon ni Vice Ganda laban sa GMA.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo