Paolo Contis, pinangaralan ni Rendon Labador, Tungkol Sa Pagsusustento

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang pinangaralan ng motivational speaker at business man na si Rendon Labador ang actor-host na si Paolo Contis.


Nauna nang inihayag ni Rendon Labador ang kanyang disgusto sa pagiging bagong main host ng Eat Bulaga ayon kay Rendon na hindi karapat dapat si Paolo sa Eat Bulaga dahil sa pagiging irresponsableng ama nito.


Matatandaan na si Paolo Contis mismo ang umamin na kailanman ay hindi siya nagsusustento sa kanyang mga anak kina Lian Paz at LJ Reyes.


Kaya naman hirit noon ni Rendon Labador na unahin muna ni Paolo Contis ang pagbibigay ng sustento kaysa sa pamimigay ng pa-premyo.


Sa kabilang banda, tila hinamon ni Paolo Contis ang mga ptuloy na bumabatikos sa kanila bilang panibagong host ng Eat Bulaga. Inalmahan din nito ang patuloy na pagrereport sa kanilang mga social media accounts kung saan lumalabas ang kanilang live streaming.


"May nabalitaan ako. Sa Facebook daw maraming newscaster, mga nagre-report at nagtatagumpay sila. Congratulations! Ang gagaling niyo! Pero kami ang gusto lang namin ay mapasaya at mag-enjoy kaya hindi kami susuko," bwelta ni Paolo Contis.


Ipinahayag pa ni Paolo Contis na kahit pa nirereport at narerestrict ang kanilang page mapapanood pa rin sa Facebook at Youtube ng Live ang kanilag programa sa Official pages nila ni Yorme.


Agad naman itong sinagot ni Rendon Labador kung saan ipinahayag niyang mabuti pa sa Eat Bulaga, hindi sumusuko si Paolo pero sa sariling mga anak ay kaagad itong sumuko.


"Pano kami maniniwala sa mga sinasabi mo na 'Di kami susuko'? eh sarili mo ngang mga anak sinukuan mo ang sustento mo. Tang* ka ba Paolo?"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo