Buboy Villar Tinawagan Ni Jose Manalo at Umiiyak Narito Ang Dahilan

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Ibinulgar ni Jose Manalo, isa sa mga dating Eat Bulaga hosts ang pag iyak ni Buboy Villar habang siya ay kausap sa telepono bago magsimula sa kanyag trabaho sa Eat Bulaga ng mga Jalosjos sa GMA7. 


Sa isang panayam kay Jose Manalo sa  Youtube channel ni Dondon Sermino, muling pinag usapan ang reaksyon ng comedian host sa pagtake over nga ilang bagong hosts sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA7.


Kaya naman muling ipinahayag ni Jose na wala siyang sama ng loob sa mga pumalit kanila bilang hosts ng Eat Bulaga, dahil nagtatrabaho lamang umano ang mga ito. Dagdag pa ni Jose, kung sakaling makakasalubong niya ang mga ito ay babatiin niya ang mga ito.


Ipinunto pa ni Jose na hindi dapat silang pagkumparahin dahil iba-iba naman umano ang atake ng bawat host sa pagkuha ng attention ng mga manonood.


May naibuking pa si Jose higgil kay Buboy Villar, na naging malapit na din sa kanya noon. Natulungan niya umano si Buboy financially noong ito ay bata pa. 


Kwento ni Jose, noong bata pa si Buboy at walang trabaho, nagpunta umano ito sa kanya at humihingi ng tulong. Naawa naman umano siya kaya naman binigbigyan niya ito ng chance na umakyat din ng entablado ng klownz kung saan siya ay rumaraket din.


Bukod dito, dahil sa awa sa bata, ibinibigay rin niya ng buo ang  tip na natatanggap niya mula sa mga manonood. 


Kaya naman nang kunin si Buboy sa Eat Bulaga bilang host, nagkaroon siya ng agam-agam na tanggihan sa una, pero dahil kailangan niya ng trabaho, nilunok na lamang niya ang hiya sa taong pinagkakautangan niya ng loob na si Jose na isa sa mga main stay ng Eat Bulaga na papalitan niya. 


Ayon kay Jose, tumawag daw si Buboy sa kanya, isang araw bago ang first live telecast ng show. Umiiyak daw si Buboy at nagsosorry. Humingi ng pasensya ang batang komenyante sa kanya, dahil sa ginawa nitong pagtanggap sa trabaho. 


Ayon pa kay Jose, na okay naman siya at walang sama ng loob kay Buboy. Kaya naman kung mapapansin, masaya si Buboy habang nasa trabaho dahil alam niyang hindi nagalit sa kanya si Jose.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo