Ang Katotohanan Sa Pagbabalik Eat Bulaga Ni Ruby Rodriguez

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang pagbabalik Eat Bulaga ng dating host na si Ruby Rodriguez.


Agad namang na-excite at thrilled ang mga fans ng Eat Bulaga. Matatandaan na mahigit tatlong dekada ring nakasama ng legit dabarkads si Ruby Rodriguez.


Maging si Ruby ay aminado ring naging malaking parte sa kanyang buhay ang Eat Bulaga. Kaya naman ngayong mayroon nang bagong tahanan ang TVJ may kumakalat na balitang magbabalik din umano ang isa sa mga dating legit dabarkads host  na si Ruby.


Ayon pa sa report, hindi muna tatangap ng studio viewers ang show dahil nangangapa pa ang mga host at mga staff sa kanilang bagong tahanan. Pero sa mismong araw ng kanilang pagbabalik, asahan umano na maraming sorpresang magaganap. 


Dahil sa sorpresang binanggit ng mga dabarkds, nagkaroon na ng mga haka haka na maaring magbalik na din ang iba pang mga host na tinanggal sa show tulad nalang si Ruby Rodriguez.


Nasiyahan naman ang mga netizen sa balitang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Ruby sa mga nagbibigay saya sa Eat Bulaga noong siya ay kabilang pa rito.


Matatandaan na naging malaking usapin noon ang biglang pagkatanggal ni Ruby sa show ng biglaan. Nakadagdag pa rito ang mga cryptic posts na inilalabas noon ni Ruby na inakala ng ilan na patama sa TVJ.


Bagama't, masarap sana sa pandinig ng mga fans na tuluyang magbabalik si Ruby sa show, hindi pa rin itong kumpirmado dahil hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang TVJ hinggil rito. 


Kung sakali man na i-consider nila si Ruby hindi rin masisigurong tatanggapin ng dating actress-host ang offer dahil may maganda nang trabaho at pamumuhay ito sa Amerika.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo