Eat Bulaga Contestant Na Nanalo Sa Isang Segment, Nagpasalamat Sa Tvj, Isko Moreno Napahiya

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang pagkakamali ng isang contestant sa isang segment ng rebranded Eat Bulaga.


Bigla kasing napasalamatan nito ang mga dating hosts ng show na TVJ.


Sa nasabing segment, lumabas sina Buboy Villar at Dating mayor na si Isko Moreno upang mamigay ng mga papremyo sa mga random people.


Nakausap nito ang isang manong namamasada kung saan ito ang nabigyan sa papremyong 10 thousand pesos. 


"Para makapagpahinga ka ng mahabang-mahaba ipasyal mo ang pamilya mo may tulong sa iyo ang Eat Bulaga."


Humingi naman ng mensahe si Isko Moreno kung ano ang masasabi nito sa Eat Bulaga.


Subalit, ikinagulat ng lahat na kabilang sa pinasalamatan ng nasabing contestant ay sina Tito Vic at Joey na hindi na kabilang sa Eat Bulaga hosts.


Tila nalimutan ng nasabing contestant na wala na sa show ang TVJ.


Bagama't nagulat at tila napahiya kaagad namang nakaisip ng adlib si Isko Moreno at ipinahayag na hindi na kabilang ngayon sa kanilang show ang TVJ.


"Tito, Vic at Joey sila ang nakasama natin noong araw."


Bukod sa 10 thousand pesos na nauna nang binigay sa nasabing contestant, dinagdagan pa ito ni Isko Moreno ng three thousand pesos para matiyak umano na ipapasyal nito ang kanyang pamilya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo