Huli Cam Ang Bastos Na Ugali Ni Ricci Rivero Habang Hinihila Si Andrea Brillantes!

Biyernes, Hunyo 16, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang tila pambabastos ni Ricci Rivero sa mga fans ni Andrea Brillantes.


Makikita sa kumakalat na video na magka holding hands sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes habang naglalakad nang may mga fans ni Andrea ang lumapit upang makipagselfie rito.


Subalit, hindi man lang tumigil sa paglalakad si Ricci at hinihila pa si Andrea. Makikita rin sa mukha nito na tila hindi nagustuhan ni Ricci na may mga nakikiselfie kay Andrea dahil nakasimangot ito.


Marami ang mas nainis pa ngayon kay Ricci dahil sa kumakalat ngayon na video. Ayon pa sa ilang mga netizens na napakabastos naman nitong si Ricci Rivero dahil halos kaladkarin na niya si Andrea palayo sa mga fans nito.


 Samantala, isiniwalat ng isa sa mga kaibigan ni Andea Brillantes na selos ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Andrea at Ricci Rivero.


May mga kumakalat ding video kung saan nahuli umano mismo ni Andrea Brillantes si Ricci Rivero na nanloloko sa kanilang relasyon."


Matatandaan na isiniwalat ni Andrea sa panayam niya sa Magandang Buhay na hindi pa rin siya tuluyang nakakapagmove on dahil aminado siyang hindi ito madali.


Gayunpaman, maayos na umano ngayon ang estado ng puso ni Andrea subalit hindi pa rin umano niya masasabing ok na siya at hindi na nasasaktan dahil tao lamang umano siya.


Bagama't si Andrea umano ang nakipaghiwalay kay Ricci at hindi pa rin siya agarang nakakalimot at ninanamnam pa ang lahat ng mnangyari.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo