Abs-Cbn'S It'S Showtime-Ginamit Lang Sa TV5?

Sabado, Hunyo 17, 2023

/ by Lovely


 Sa nalalapit na pagtatapos ng block time agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5, naglabasan ang samu't-saring haka-haka na patungkol sa kung ano ang mangyayari ngayon  sa It's.


Ang nasabing agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 ay magtatapos sa June 30, 2023. Kaya naman, usap-usapan na hanggang June na lamang mapapanood ang It's Showtime sa TV5 dahil sa darating na July 1 o July 3 ay magsisimula na ang show ng TVJ sa TV5.


May mga usap-usapan pa na ililipat sa ibang oras ang It's Showtime at magiging delayed telecast na lamang ito.


Hindi naman nagustuhan ng ilang mga showtime fans ang ginagawa ngayon ni Manny Pangilinan sa It's Showtime. Ayon sa mga ito ay tila ginamit lamang sila nito.


Marami rin ang nagsasabing napa ka unfair ni Manny Pangilinan sa It's Showtime gayung nakapagdala naman sila ng matataas na rating sa nasabing network.


Hindi rin nagustuhan ng mga netizens ang pagpapalit ng TVJ sa timeslot ng It's Showtime dahil lumalabas na inaagaw din ng TVJ ang para sa Showtime.


Samantala nagbigay na ng pahayag si Manny Pangilinan sa isyu na ito.


"Were open to their schedule and we are coordnating with ABSCBN I believe that TV5 is committed to TVJ for the noontime slot, so it's either them or showtime unless ABS-CBN are willing to move to another time slot which we are prepared to give to them, but it's up to them not to us," pahayag ni Manny Pangilinan.


Samantala, may mga lumalabas na haka-haka naman na ang ibibigay na timeslot ng TV5 sa It's Showtime ay mula 4pm hanggang 6:30 pm kung sakaling papayag ang pamunuan ng Its Showtime sa kondisyong ito ng TV5.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo