Marco Gumabao, May Isiniwalat Tungkol Kay Christine Reyes

Linggo, Hunyo 25, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang, sina Christine Reyes at ang nobyo nitong si Marco Gumabao ang naging guest sa legit lie detector test sa YouTube vlog ng aktres na si Bea Alonzo.


Hayagang tinanong ni Bea Alonzo si Marco Gumabao kung crush na ba niya ito bago pa man niya ito niligawan.


Hayagan naman itong sinagot ni Marco Gumabao at inamin ang katotohanan.


"Oo, crush ko na siya talaga noon pa. I remember before lagi, kapag tinatanong ako, siya yung sinasagot ko."


Inamin namn ni Cristine na si Marco Gumabao ang pinakabatang lalaki na nakadate niya. Gayunpaman,ito umanoa ng nagparamdam sa kanya bilang isang ideal boyfriend.


Para sa kanya si Marco Gumabao na ang pinaka perfect boyfriend. Naiintindihan umano ni Marco ang lahat sa kabila ng mas batang edad nito kaysa sa kanya.


Inamin din ni Marco na siya ang unang bumigay at nagsabing I love you sa pagitan nilang dalawa ni Cristine. Bumigay umano si Marco noong nagbabakasyon sila ni Cristine sa Siargao.


Pag-amin pa ni Marco na matagal na niyang gustong ipagtapat kay Cristine ang tunay niyang nararamdaman rito. Kasunod nito, ibinulgar naman ni Marco na si Cristine ay isang jealous girlfriend.


Pagpupunto naman ni Cristine na nasa lugar naman ang kanyang pagseselos na kaagad namang sinigundahan ni Marco at sinabing sa tuwing wala sa mood ang nobya ay palagi na lamang niya itong nilalambing.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo