Awra Briguela Muling Binanatan Si Ricci Rivero, 'Tigas Ng Fes'

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Naging usap-usapan ng mga netizens ang ibinahaging tweet kamakailan ni Awra Briguela kung saan ayon sa ilang mga netizens na patama ito sa ex-boyfriend ng kanyang kaibigan na si Andrea Brillantes.


Kamakailan lamang ay nagpahayag si Awra ng patama sa aniya'y isang tao na kasing tigas ng bato ang kakapalan ng mukha.


Isa sa mga naging dahilan kung bakit lumabas ang spekulasyon na patama ito kay Ricci Rivero dahil lumabas ang tweet ni Awra matapos ang pag-ere sa part 2 ng panayam ni Ricci sa programang Fast Talk with Boy Abunda.


"grabe tigas ng pes parang rock," tweet ni Awra Briguela.


Matatandaan na naglabas rin ng cryptic post si Awra Briguela ilang minuto matapos aminin ni Ricci Rivero na naghiwalay na sila ni Andrea Brillantes.


Pinatamaan ni Awra ang mga taong mahilig umanong mang-gaslight at cheater.


"Amackana gaslighter, manipulative. fcking cheater. lol"


Sinundan pa ito ni Awra ng isa pang post tungkol naman sa taong nagmamalinis.


"tang inang toh, kala mo talaga ang linis."


Tila naiintindihan naman ng ilang mga netizens ang pinanghuhugutan ni Awra Briguela at ang pagtatanggol nito kay Andrea dahil kilala na sila noon pa man na malapit sa isa't-isa.


Sa kabilang banda, patuloy pa ring nananahimik si Andrea Brillantes at hindi sinasagot ang mga isiniwalat ni Ricci Rivero sa panayam nito kay Boy Abunda.


Tila mas inuuna ngayon ng aktres ang kanyang sarili at nagpopokus muna sa kanyang trabaho.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo