Victor Asuncion nagsalita na sa trending closure ng misis na si Yeng Constantino at Ryan Bang!

Lunes, Marso 28, 2022

/ by Lovely

Nagbigay ng pahayag ang asawa ng ASAP Natin 'to singer kaugnay ng nakaraan ng kanyang naging kabiyak at ni Ryan Bang na nabunyag nitong taon sa It's Showtime. Ang ASAP Natin 'to singer na ito ay mula sa ABSCBN singing competition na gumawa ng mga original songs na lalong nagpasikat sa kanya. Nagbigay ng pahayag ang asawa ng singer na si Yeng Constantino na si Victor Asuncion tungkol sa trending closure ng kanyang misis at dating manliligaw na si Ryan Bang.

Matatandaan na parehong nagulat at nasurpresa sina Ryan Bang at Yeng Constantino sa rebelasyong kanilang inilantad sa ABSCBN noontime show na It's Showtime. Sa isang segment ng show noong January ngayong taon ay ginulat ng dalawa ang mga netizens. Sila pala ay nagkaroon ng romantic ties. Nagkaaminan sina Yeng Constantino at Ryan Bang sa pagkakaroon nila ng nakaraang romantic ties at nagkaroon sana sila ng chance kung nagkaintindihan sila noon. Semi-regular judge si Yeng Constantino noon sa It's Showtime Tawag ng Tanghalan.



Nito lamang huwebes March 24 sa 'Magandang Buhay' sinabi ni Victor Asuncion na ang asawa niya mismo ang nagkwento sa kanya sa paghaharap  nila Ryan Bang sa It's Showtime. Ani Victor, nauunawaan niya ang naramdaman noon ni Ryan Bang na tila nanliit sa sarili.

"Kasi naka-relate rin ako roon, Kai Yeng Constantino. So I kind went trhrough the same situation na parang nanliliit ka. So naka-empathize ako kay Ryan na parang, 'Bro, I know what you're feeling. Alam ko 'yung naramdaman mo.' So na-touch din ako sa story ni Ryan."



Sa pahayag noon ni Yeng Constantino hindi niya binasted si Ryan Bang at nasaktan siya nang bigla na lang tumigil ang komedyante sa panliligaw sa kanya ng walang paliwanag. Kwento naman ni Ryan Bang, inakala niyang may ibang nanliligaw kay Yeng at wala siyang pag-asa rito. Sa pahayag ni Ryan sa It's Showtime,

"Kasi sa tuwing kumakain kami, siya nagbabayad eh. 'Di ko kaya ang BGC. Gusto ko talaga manlibre noon. Tapos ang dami niyang fans. ...Pagkatapos ng concert mo, ang daming nagpa-picture sa iyo. Hindi ako kilala ng mga tao noon. So, nahihiya ako sa sarili ko na hindi ako para sa iyo, parang 'yon ang naramdaman ko. Kahit totoo naman ang nararamdaman ko sa iyo at minahal naman talaga kita."

February ngayong taon ay ipinagdiriwang nina Yeng Constantino at Victor Asuncion ang kanilang 7th year anniversary bilang mag-asawa. Sa Magandang Buhay nagpalitan din ang dalawa ng kanilang pangako sa isa't isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo