Vice Ganda Nagsalita sa Pagkaperwisyo Ng It's Showtime Dahil Sa Isyu ng TVJ at TAPE Inc.

Miyerkules, Hunyo 28, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ng kanyang saloobin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda hinggil sa tila pagkakadamay ng kanilang show na It's Showtime sa isyu ng TVJ at ng TAPE Inc. ang production company ng Eat Bulaga.


Sa kanyang vlog, sinabi ni Vice Ganda na maging ang kanilang show na It's Shotime ay labis ring naapektuhan sa nangyaring conflict sa pagitan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon laban sa mga executives ng TAPE Inc.


“Tayo ‘yung casualty nung naging problema ng TVJ at saka nung Eat Bulaga. Sabi ko, ‘Parang tayo ‘yung tinamaan ng mga kanyon na ibinala nila.’ ‘Yun ang unang naging damdamin namin,” pahayag ni Vice Ganda.


Paglilinaw pa ni Vice Ganda, “Kasi nung una, ‘di ba, okay naman sila do’n, okay din naman kami, ‘di ba? Parang, ‘Okay na tayo dito.’ Kasi kung hindi naman sila nag-away, e ‘di buo pa rin sana sila. May kontrata pa naman sila sa GMA hanggang next year, ‘di ba? Pero dahil hindi sila nagkasundo, nagkahiwalay.” 


Gayunpaman, hindi naman umano masisisi ni Vice Ganda ang TVJ sa kanilang desisyon dahil alam naman umano niya na kailangan din nilang magtrabaho.


Hindi rin naman umano nila hawak ang desisyon ng TV5 sa kanila kaya naman mas pinili na lamang nilang umalis sa show.


”Yung mga naging desisyon nila, malaking-malaki ang naging epekto sa amin na nananahimik, ‘di ba? Pero hindi rin namin pwedeng sisihin ang TVJ dahil lahat naman kami, gusto lang magtrabaho. Lahat naman kami, may ipinaglalabang bahay. Lahat kami, may ipinaglalabang programa. Lahat kami, may ipinaglalabang audience na gustong pagsilbihan.”


“Wala tayong magagawa. Tatanggapin natin ‘yon. Hindi man masyadong pabor sa atin [na palitan ng TVJ sa 12:00 slot, but] again, hindi natin pwede ‘yung i-take against them kasi nagtatrabaho lang din naman sila,” pagpupunto ni Vice Ganda.


Matatandaan na noong May 31, 2023 tuluyang iniwan ng TVJ ang pamunuan ng TAPE Inc. matapos ang ilang buwang hindi nila pagkakasundo.


Agad naman silang tinanggap ng TV5 at ibinigay pa sa kanila ang 12 noon timeslot na dating hawak ng It's Showtime.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo