Xander Ford Umamin Na Ginawang Content Ang Pamemera Kay Christian Merck Grey

Martes, Hunyo 27, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay inamin na ni Xander Ford na gawa-gawa lamang niya ang kanyang mga ginagawang pambabanat kay Christian Merck Grey upang makakuha ng views.


Tila wala nang ibang naisip si Xander Ford na maging content sa kanyang vlog kaya naman si Christian Merck Grey ang kanyang napagtripan.


Sa vlog ng isa pang YuoTube content creator na si Khifer Brosse, sinagot ni Xander Ford ang ilang mga pambabash ng mga netizens hinggil sa umano'y scripted na awayan nila ni Christian Merck Grey.


Dito, tahasang inamin ni Xander Ford na scripted lamang talaga ang lahat maging ang pang-aaway niya kay Christian Merck Grey.


“Lahat naman ng bidyo ko, scripted. ‘Pag sinabing script, ‘yun yung mga … ‘yun ‘yung may mga ‘lights, camera, action’ ‘yun, script ‘yun. Pero ‘pag nakakita ka na ng bidyo na tuloy-tuloy, ang tawag dun, ‘di script, skit video ‘yun, dere-derecho,” patawa-tawa pang paliwanag ni Xander Ford.


Isiniwalat pa ni Xander Ford na for the show lamang ang palagay-lagay niya ng bandage at nilagyan lamang niya ng food coloring ang kanyang mukha para kapani-paniwala talaga ang kanyang mga pasa sa mukha.


Ginawa  umano itong lahat ni Xander Ford para magkaroon ng mataas na views para makakuha ng malaking sahod mula sa Youtube at sa Facebook.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens, tila natatakot umano itong si Xander Ford sa pagbabanta ni Christian Merck Grey na magpapadala na siya ng demand letter para kay Xander at madadamay pa ang kanyang kinakasama na si Gena Mago dahil sa pagkukunsinti sa kanya.


Marami naman ang nagsasabi na dapat nang magbago ni Xander Ford at baka totohanin talaga ni Merck ang kaso na ibinanta nito.


Samantala, hindi pa sumagot si Christian Merck Grey sa ginawang pag-amin ni Xander Ford.


Matatandaan na nag-umpisa ang lahat ng maningil si Xander ng 349 thousand na umano'y pangako ni Merck sa kanyang anak sa binyag.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo