Xian Gaza, Aminadong Nagkamali Ng Vision Sa Relasyon Nina Zeinab Harake at Skusta Clee

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza na nagkamali siya sa kanyang pananaw sa magiging future ng relasyon nina Zeinab Harake at Skusta Clee noon.


Ni-repost ni Xian Gaza ang kanyang naging post, isang taon na ang nakakalipas patungkol sa hiwalayan nina Zeinab Harake at Skusta Clee noon.


Ayon sa vision ni Xian Gaza, magiging headline sa taong 2023 ang comeback nina Zeinab Harake at Skusta Clee.


“NEWS HEADLINE 2023: ‘Zeinab Harake at Skusta Clee, nagkabalikan na!’" Facebook post ni Xian Gaza noong May 26, 2022.


Samantala, inamin naman ni Xian sa caption ng kanyang post na mali pala ang kanyang pananaw noon dahil sa basketball player napunta si Zeinab.


“MALI YUNG BISYON KO AH,” pahayag ni Xian.


“NAPUNTA SA BASKETBALL EH.” dagdag pa niya sa comment section ng kanyang post.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.


Matatandaan na kamakailan lamang ay kumalat ang mga larawan nina Zeinab Harake at Ray Parks. Kasunod nito ay ang pag-amin ng dalawa na nagdi-date na sila.


Marami naman ang nagsasabing wala namang mali sa pagpasok ni Zeinab Harake sa isang panibagong relasyon basta't hindi lamang niya pababayaan ang kanyang mga anak na sina Baby Bia at Lucas.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo