Rendon Labador Nag Public Apology Lalo Na Kila Coco Martin at Michael V.!

Biyernes, Mayo 26, 2023

/ by Jerome

 


Social mediya personality at motivational speaker na si Rendon Labador humingi ng pasensya kaina Michael V at sa actor director na si Coco Martin.


Pati na rin sa lahat ng celebrity, atleta at vlogger na kanyang sinisita at gayun din sa mga Pilipinong nasaktan sa kanyang mga naging pahayag sa social media.


Dahil para sa kanya ay wala siyang dahilan para huminto, Humingi siya ng paumanhin sa lahat dahil hindi siya sigurado kung masasaktan niya sila ulit.


Para naman sa mga taong gusto niyang mabago ang mga pananaw sa buhay, heto ang kanyang mga naging pahayag.


Aniya, "Gusto ko pong humingi ng apology, gusto ko pong humingi ng pasensya, sa lahat po ng Pilipinong nasaktan at mga naging emosyonal sa mga nangyare sa social media."


Pagpapatuloy pa niya, "Hindi ko po ma assure kay Michael V at kay Coco Martin at sa lahat ng mga celebrity at atletang nadamay sa lahat ng mga issue na sinisita ko sa internet."


"Hindi ko po ma aassure na hindi ko po kayo masasaktan ulit, pasensya na for being those forward, ganuntalaga ako pinalaki ng aking mga magulang."


Dagdag pa niya, "At straight talaga ako magsalita hindi ko kayo bobolahin, sasabihin ko sa inyo yung totoo, yun yung mga standard ko sa buhay na hindi ko kayang baguhin para sa inyo."


"Pasensya na kung masyado kayong naging emosyonal, gusto ko lang ako mismo ang magparinig sa inyo ng mga ganitong salita."


"Kasi alam ko yung mga bagay o salita na dudurog sa inyo, alam ko kasing yun yong makakapagpabago sa inyo."


Dagdag pa ni Rendon na ayaw daw ninyang makapambastos ng tao, kasi ang goal niya ay para ma motivate ang mga tao na mabago ang takbo ng kanilang buhay.








Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo