Willie Revillame Umayaw Sa Viva Dahil Ayaw Magpakaltas

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nagbigay ng update si Manay Cristy Fermin patungkol sa TV-host na si Willie Revillame.


Kamakailan lamang ay napapabalita ang paglipat ni Willie Revillame sa Viva matapos ang kanyang pagreresign sa ALLTV.


Subalit ayon sa pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin, tila malabo na umano itong matuloy dahil umayaw si Willie Revillame na kaltasan ng Viva.


“Ang kuwento ng aking source, nag-meeting na raw si Boss Vic del Rosario at si Willie Revillame. Nagkasundo na, na kukuha ng 20% ang Viva sa lahat ng kikitain ng konsiyerto ni Willie.


"So okay na, okay na raw, wala nang problema, pasable na kay Willie. Aba, maya-maya raw pagkatapos ng ilang araw, mayroon na naman daw kakaltasin na 20%. ‘Yung booking at saka finder’s fee. Eh ‘di 40% na,” saad ni Manay Cristy.


Para kay Manay Cristy Fermin, hindi naman makatarungan sa side ni Willie Revillame na kaltasan ng 40% ang kita ng kanyang concert dahil ito naman umano ang humaharap sa tao at nagpi-perform.


“Siya ang performer. Siya ang haharap sa tao, siya ang magpapasaya, siya ang magpe-perform. Bakit naman 60 lang ‘yung kanya,” dagdag pa ni Manay Cristy Fermin.


Matatandaan na may hindi pagkakaunawaan sina Manay Cristy Fermin at Willie Revillame dahil sa umano'y clickbaiting.


Maging mga ibinigay ni Willie Revillame kay Cristy Fermin ay naibunyag.


 Subalit, tila nagkaayos na naman ang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo