Cristy Fermin, Sinabing Pareho Lamang Sina Moira At Jason Mga Manggamit

Linggo, Mayo 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng kanyang saloobin ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa isyung gamitan sa relasyon nina Moira Dela Torre at Jason Hernandez.


Para kay Manay Cristy Fermin, pareho lamang naggamitan sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez habang nagsasama pa sila kaya It's a Tie lamang umano sila.


Sa kamakailang episode ng kanilang Showbiz Now Na vlog, ipinahayag nina Manay Cristy Fermin ang umano'y komento ng ilang mga bashers ni Jason na gamit na gamit nito ang mga video clips mula sa wedding nila ni Moira Dela Torre sa kanyang music video.


“Ang tanaw ng ating mga kababayan, ‘Nanloko ka eh. Niloko mo ‘yung asawa mo eh. Tapos ngayon ginagamit mo pa’… parang ganoon,” ani Cristy.


Maging ang pag-alma ng pamilya ni Moira sa paggamit ni Jason sa mga videos ay binigayan din ng reaction ni Manay Cristy Fermin, maging sinasabing hindi pag-effort ni Jason para ma win back ang asawa.


 “Actually, kung ang pagbabasehan natin gamitan, pareho silang manggagamit. Pareho silang naggamitan sa sitwasyon.”


Binalikan rin ni Manay Cristy ang ginawa ni Moira sa kanyang concert kung saan pinalitan nito ang lyrics ng mga kanta para patamaan si Jason Hernandez.


“Kaya sa punto ng gamitan, pareho lang silang nagkagamitan… Kaya it’s a tie,” dagdag pa ni Cristy.


Mas napapansin lamang umano ang panggagamit ni Jason dahil sa nilagyan pa niya ng footage ng kasal nila ni Moira ang viral niyang music video habang si Moira ay pasimple lamang kung umatake.


“Kaya ‘yung puntong ginamit, gamit na gamit si Moira… si Moira rin simple lang, payak lang ang atake pero nandoon din ‘yung term na ‘panggagamit’.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo