Tuesday Vargas, Naiinis Sa Pambabast0s Ni Rendon Labador Kay Bitoy.

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Inalmahan ng dating host-actress na si Tuesday Vargas ang pahayag ng isang social media personality kung saan kinumpara niya ang kanyang sarilli sa sikat na script writer.


Sinabihan pa niya itong nalalaos na at napalitan na nila ang mainstream media.


Bagama't wala namang pangalan na tinukoy si Tuesday, marami ang nag-iisip na ang social media personality na si Rendon Labador ang tinutukoy ni Tuesday.


Kamakailan lamang ay ipinahayag ni Rendon na laos na si Michael V. na siyang inalmahan ng mga taghanga at mga kaibigan nito.


"INFLUENCERS are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content.. Manahimik nalang kayo. MAINSTREAM IS DEAD!!! Social media is the NEW MAINSTREAM."


Samantala, minabuti ni Tuesday Vargas na ihayag ang kanyang saloobin hinggil sa usaping mainstream celebrities versus social media stars. 


Sa kanyang Facebook post ay pinagtanggol niya ang aniya'y artistang respetado sa industriya na binastos ng isang social media personality.


"Again, wala akong inaaway. Masakit na ayaw pa saling at feeling high and mighty ang isang tao kasi imbes na ipag buklod mo ang viewers, nagkakaroon tuloy ng gulo sa kapwa mo celeb dahil ang kitid ng world view mo."


Dagdag pa ni Tuesday na hindi niya matanggap ang ginagawang pambabatos ng social media personality na ito sa respetadong aktor-wriiter sa larangan ng showbiz.


"Director, artista, writer siya at respetado siya sa industriya. Hindi siya nakikipag kumpetensya sa iyo. Kung ako ang tatanungin, iyo na ang milyon mong taga hanga. Mas pipiliin ko yung talentadong tao na makaka hubog ng kamalayan ng manonood any day kesa sa iyong malaki umano ang clout pero walang respeto," pagpupunto pa ni Tuesday.


Si Tuesday Vargas o Marizel Sarangelo-Placido ay isang Filipina singer, actress, comedian at isa sa judge ng Talentadong Pinoy sa TV5.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo