Xander Ford Arizala, Nais Nang Makipag-ayos Kay Vice Ganda

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng pasiunang kahilingan ang social media personality at actor na si Xander Ford Arizala isang araw bago ang kanyang 25th birthday.


Bago pa man ang kanyang ang kaarawan, ibinahagi na ni Xander ang kanyang kahilingan para sa kanyang kaarawan bukas.


Sa Instagram Stories, nag-post si Xander ng screenshot mula sa Instagram Live ni Vice Ganda, kung saan makikita ang kanyang komento.


“Meme Vice kamusta po,” mababasang komento ni Xander.


Caption naman ni Xander sa kanyang ini“Birthday ko na bukas. Wish ko sa birthday ko, sana magkapag-ayos na kami ni Meme Vice kasi alam ko galit pa rin siya sa akin.”


“Birthday ko bukas miski walang tao na bumati sa akin or maalala ako. Ngayon ko lang napagtanto na pag wala kang pera, walang tao ang gugustuhin ka maging kaibigan,” dagdag pa ni Xander.


Nagbigay din siya ng emosyunal na mensahe para sarli, “Happy birthday self. Kaya natin ito kahit wala nang tao ang gustong kasama tayo. Nakaka-miss lang nung panahon na di pa ako sikat, palagi akong nag-birthday na may kasama kahit hindi garbo.”


Kamakailan lamang ay naging trending sa social media ang pagpapahayag ng pagkadismaya sa hindi pagsipot sa binyag ng kanyang anak na si Baby Xeres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo