Kylie Padilla Nagulat Sa Ginawang Surprisa Ni Aljur Abrenica Ngayong Mother'S Day!....

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Jerome


Nitong Linggo ngalang ay ipinagdiwang sa buong mundo ang Mother's Day, bilang pag-alala sa kadakilaan at pagsasakrepisyo ng lahat ng mga ina para sa kanilang mga anak.


Sa araw nga na iyon ay naging agaw atensyon sa buong social media at mainit na pinag-usapan ang ginawang pagsurpresa ng actor na si Aljur Abrenica sa kanyang dating asawang si Kylie Padilla.


Kung saan ay labis itong ikinagulat ng mag-iina, at labis naman ang kilig na naramdaman ni Kylie sa ginawang ito ng actor.


Dito nga ay binisita ni Aljur si Kylie at ang kanyang mga anak, na may dalang mga bulaklak at chocolate para ky Kylie at mga laroan naman ang pasalubong niya sa kanyang mga anak.


Hinangaan naman ng marami ang ginawang ito ni Aljur, dahil tila daw ay bumabawi ito sa lahat ng kanyang pagkukulang sa kanyang mag-ina lalong-lalo na kay Kylie Padilla.


Lubos naman daw na humahanga at nagpapasalamat si Aljur sa mga sakripisyong ginawa ni Kylie at sa pag-aalaga ng mabuti sa kanilang dalawang anak.


Dahil sa mga panahong wala si Aljur sa kanilang tabi ay si Kylie na ang tumayong ama at ina sa kanilang dalawang anak. 


Na kung saan ay umabot pa nga sa puntong na inamin ng actress na labis din siyang nahirapan sa pagiging solong ina sa kanyang dalawang anak.


Kaya naman labis ang paghanga ni Aljur kay Kylie dahil dito, dagdag pa niya na kulang pa daw ang kanyang ginawa upang masuklian ang kabutihan at sakripisyo ni Kylie para sa kanilang mga anak.


Kaya naman nitong nagdaang mother's day ay naramdaman ni Kylie na hindi na siya nag-iisa sa buhay dahil bukod sa kasama niya ang kanyang mga anak ay muli ding bumalik si Aljur sa kanilang piling.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo