Pagtrato Ng Mga Magulang Ni Sarah Geronimo Kay Matteo Guidicelli Ganito Pala!

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Jerome

 


Noon paman ay talagang maugong na ang tungkol sa gusot sa mga magulang ni Sarah Geronimo at kay Matteo Guidicelli.


Sa ngayon ay hindi man malaman ang tunay na dahilan kung saan nanggagaling kanilang hindi pagkakaintindihan.


Pero talagang malinaw na malinaw na hindi gusto ng ina ni Sarah na magpakasal ang kanyang anak.


Kaya naman marahil na ganoon nalang ang inis na naramdaman ng mga magulang ni Sarah ng malaman na nagpakasal na ang kanyang anak na si Sarah ng walang basbas nila.


Sa paglipas nga ng ilang taon ay tila ganun parin ang inaasal ng mga magulang ni Sarah sa kanila.


Sa katunayan nga daw ay sa naging panayam ng king of Talk na si Boy Abunda kay Matteo ay may nakakagulat itong inamin tungkol sa pagtrato sa kanya ng mga magulang nga kanyang asawang si Sarah.


Pero ayon sa kanya na okay naman daw siya sa mga ito at malaki naman daw ang respito niya dito kahit na nga medyo hindi maganda ang pagtrato sa kanya ng mga ito.


Samanta, bilang pagkukumpirma ay deritsahan naman na tinanong ni Tito Boy si Matteo kung totoo bang bawal daw silang dalawa ni Sarah na pumasok sa bahay ng mga magulang ni Sarah Geronimo.


Sa got naman ni Matteo na meron naman daw pagkakataon noon na ganun nga ang nangyari, pero ayaw niya nalang idetalye pa ang tungkol dito sa usaping ito.


At mas makakabuti daw kung pananatilihin nalang daw nila itong prebado, bilang lang paggalang nalang din sa mga magulang ng kanyang mahal na asawa.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo