Batang Quiapo, Iniiwasan Ang Voltes V: Legacy?

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platfortms ang tapatan ng dalawang malalaking teleserye, ang Batang Quiapo ng ABS-CBN at ang Voltes V: Legacy ng GMA7.


Napansin kasi ng ilang mga netizens na nagiging delayed na ang pagpapalabas ng Batang Quiapo na tila ay iniiwas umanong matapat sa Voltes V: Legacy.


Sa isang Twitter post, ibinahagi ng parody page na Madam Beki Not Vidanes ang mga screenshot ng tweets ng netizens patungkol dito.


“Batang Quiapo hindi umere ng eksaktong oras sa timeslot? At nalate diumano ito ng 36minutes bagay na ipinagtaka ng mga kakaunting manunuod. Dahil nga ba umiiwas ito makasagupa ang Voltes V dahil hindi nilacito magiba sa Ratings.”


Maging ang kilalang screen writer ng GMA na si Suzette Doctolero ay napakomento na rin sa nasabing parody.


“Ginagawa na nila yan dati pg olats. Umi style Pra sa per minute mas mataas sila kasi ang kalaban nila ay yung sumunod na programa na mas mababa,” komento nito.


Gayunpaman, agad namang dumipensa ang mga fans ng Batang Quiapo.


"Boba nagkaroon nang technical problem sa editing nila  kahil namn ma huli sila nang pag ere palong palo padin ang na nonood sa kanila"


"Sabi ko n nga ba ikakalat mo nnmn eto....may technical problem lang....nagbuhat ka kaagad....wala nmn kaminpaki sa ratings haha"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo