Miss Universe Philippine 2023 Michelle Marquez Dee, Tuloy Ang Rampa Unbotherd Sa Mga Basher

Martes, Mayo 16, 2023

/ by Lovely


 Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee, pinatunayang unbothered queen siya matapos dinidma ang pambabatikos ng mga bashers.


Matatandaang, marami ang umalma sa pagkakapanalo ni Michelle Dee sa Ms. Universe Philippines 2023. Ayon sa ilang mga pageant fans, hindi deserve ni Michelle ang crown dahil sa malamya naman umano ang performance nito.


Gayunpaman, tila hindi naman naapektuhan si Michelle sa mga pambabatikos sa kanya ng mga pageant fans at patuloy pa rin ang kanyang pagrampa bilang panibagong Miss Universe Philippines 2023.


Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, ipinahayag ni Michelle na normal lamang na magkaroon siya ng mga bashers dahil sa mga loyal fans ng kasamahan niyang contestant.


Kinukwestyon din ng ilan ang kanyang  pagkapanalo. Ayon sa ilang mga netizens na nanalo lamang ni lamang daw siya dahil ilan sa mga judge ang GMA boss na si Annette Gozon at si Sam Verzosa, na boyfriend ng best friend niyang si Rhian Ramos.


“It’s honestly inevitable, because fans come in there supporting their bets. They come in there thinking that their rage, or their anger can change results, but it can’t.


“So if ever we’re in a position to make changes like that, let’s just choose to be kind and spread love. That’s what I always tell my fans, and that’s what they try to… be kind and always spread love,”  pagpupunto ni Michelle Dee.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo