Lolit Solis, May Mensahe Sa Naudlot Na Katambal Ni Alden Richards Sa Isang Pelikula!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Tila naglabas ng mensahe ang beteranang Showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa naudlot na partner ng aktor na si Alden Richards sa isang pelikula.


Kamakailan lamang ay naiulat ang pagkakakansela ng pelikulang pagbibidahan sana nina Alden Richards at Bea Alonzo dahil sa hindi pagkakasundo.


Kaya naman, kahit hindi pinangalanan ni Manay Lolit Solis kung sino ang kanyang tinutukoy sa post. Agad na naisip ng mga netizens na ang tnutukoy niya ay walang iba kundi si Bea Alonzo.


Ayon kay Manay Lolit Solis, may karapatan naman umano ang mga artista na tumanggi sa mga project na inihahain sa kanila subalit maari itong makaapekto sa kanilang career.


“May karapatan siyang tumanggi kung ayaw niya gawin ang inaalala niyang hindi makakabuti sa career niya. Napakabait na tao ni Alden Richards at mama Tenten kaya maraming blessings ang dumarating sa kanya,” saad ni Manay Lolit Solis.


Pagpupunto pa ni Manay Lolit Solis na mas naniniwala siya sa side nina Alden Richards kaysa sa pahayag mula sa kabilang kampo.


“Mas maniniwala ako sa katwiran nila kung tinanggihan nila ang isang bagay na ayaw nila kesa katwiran ng kabilang panig na ewan ko kung bakit kailangan mag ingay kundi natuloy ang isang proyekto.”


“Ganyan talaga, meron natutuloy, meron naman hindi na gustong gawin. Huwag ng bigyan pa ng ibang rason. Tanggapin na lang ng maluwag ang loob,” dagdag pa nito.


Sinabi rin ni Manay Lolit na mas sumisikat pa ngayon si Alden dahil may mabuting puso ito at napapaligiran ng mga mabubuting tao.


“Kita mo naman na hanggang ngayon shining bright pa rin si Alden Richards. At mas nagiging brighter dahil maganda ang kalooban niya, at hindi maarte ang mga nakapaligid sa kanya. Tanggapin na natin mas kailangan nila si Alden, kesa sila ang makakatulong dito,” tila pasaring na ni Manay.


“The coast is clear, huwag ng padilimin pa ang paligid. Alam mo ba Salve at Gorgy, na dumidilim ang paligid pag may mga nega na nagkalat dito. Hindi bongga, kaya iwasan.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo