Kris Aquino, Isa Sa Pinakamabait Na Tao Sey Ni Lolit Solis!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Maituturing isa umano sa pinakamabait na taong nakilala ni Manay Lolit Solis ang Queen Of All Media na si Kris Aquino.


Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Manay Lolit Solis nitong May 4, 2023, isiniwalat niya ang ilan sa mga dahilan kung bakit nasasabi niyang napakabait ni Kris Aquino.


“Now Salve alam mo na bakit love ko si Kris Aquino. Tignan mo na dahil alam niya grieving si Bambbi Fuentes dahil namatay ang mother nito na nasa US, agad niyang binigyan ng ticket business class para makapunta agad at maasikaso ang wake."


"Very compassionate talaga si Kris Aquino at alam niya how sad to lost a mother," pagkukwento ni Manay Lolit Solis.


“Iba talaga pag mahal ka ni Kris Aquino kaya masarap maging kaibigan nito. Dependable friend siya na maasahan mo pag meron kang problema. Kaya nga marami ang nagdadasal na sana gumaling na siya sa kanyang sakit,” dagdag pa niya.


Ibinahagi rin ni Manay Lolit Solis ang pagtulong sa kanya ni Kris Aquino nang makarating rito ang balitang nagda-dialysis na siya sa kabila ng pagpapagamot din nito sa sariling karamdaman.


Ayon kay Manay Lolit Solis, agad siyang tinawagan ni Kris Aquino nang nalaman nito ang kanyang kondisyon at  nagtanong kung ano ang kanyang maibibigay na tulong.


Dahil din umano sa kabaitan ni Kris Aquino at sa pagiging matulungin nito, marami ang nagdarasal para sa tuluyan niyang paggaling mula sa kanyang mga karamdaman.


“Kaya kahit ano sabihin masasabi ko talaga na isa si Kris sa pinaka mabait na tao na kilala ko. Dasal ko na sana maging mahaba pa at maligaya ang buhay niya para narin sa dalawa niyang anak na sila Joshua at Bimby."


"People as nice and as sweet like Kris Aquino dapat magtagal ang buhay at dumami pa to make this world a better place to be,” saad pa ni Manay Lolit Solis.


Sa ngayon ayt patuloy pa rin ang pagpapagamot ni Kris Aquino sa kanyang mga auto-immune diseases. Ibinahagi naman kamakailan ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby na stable na ang kalagayan ng kanyang ina.


Sinabi rin ni Bimby Aquino na nadadagdagan na ang timbang ni Kris Aquino ngayon matapos matukoy ng dalawang Indian Doctor ang posibleng pinagmulan ng kanyang mga karamdaman.


Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino na mas kilala bilang Kris Aquino ay isang Filipino TV-host, artista, producer, socialite at businesswoman.


Siya ay anak ng mga yumaong sina Sen. Benigno Aquino Sr. at dating Pangulong Corazon Cojuangco Aquino. May dalawa siyang anak na sina Joshua Aquino at Bimby Aquino.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo