Antonette Gail Del Rosario, Ipinasilip Na Ang Resulta Ng Kanyang Nose Surgery!

Biyernes, Mayo 5, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na naging usap-usapan sa social media ang pagpapagawa ni Antonette Gail Del Rosario, fiancee ni Whamos Cruz, sa kanyang ilong.


Ayon sa pagsasalaysay ni Antonette, nadulas siya sa kanilang bedroom at aksidenteng tumama ang kanyang ilong sa lampshade.


Nabali umano ang kanyang nose bridge na naging dahilan kaya nahihirapan siya huminga.


Samantala, marami sa mga bashers nina Antonette Gail at Whamos Cruz ang hindi naniniwala sa kwento ni Antonette. Ayon sa kanila, bakit tinatago pa nito ang intensyong magpaganda ng ilong.


Agad naman itong sinagot ni Antonette at nagpakita pa ng ilang pagpapatunay na totoong aksidente ang dahilanm ng kanyang nose surgery at hindi ang magpaenhance ng beauty.


Samantala, kamakailan lamang ay pinatanggal na ni Antonette ang mga tahi sa kanyang ilong matapos ang kanyang surgery. Kapansin-pansin ang pagtangos ng kanyang ilong ngayon kumpara sa dati.


Kahit medyo namamaga pa ang kanyang mukha kapansin-pansin na maganda ang pagkakaayos ng kanyang ilong.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil ang ilang mga bashers sa pambabanat sa pagpaparetoke ni Antonette.


May ilan namang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa social media personality at sinasabing naiinggit lamang ang mga bashers dahil walang pera pamparetoke.


Narito ang video ni Antonette Gail: https://fb.watch/kkFX1Lo5Rq/



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo