Liza Soberano at Enrique Gil Kumpirmado Na!

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Jerome

 


Maugong ngayon  na pinag-uusapan sa social media ang tungkol sa kung anu na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nina Enrique Gil at Liza Soberano.


Marami na kasi ang nakapansin at nagdududa sa relasyon ng dalawa.


Sa lahat kasi ng issue na tungkol kay Liza ay tila walang reaction ang actor at nobyo ni Liza na si Enrique Gil.


Ngunit lagi namang sinasabi ng dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa programa nitong showbiz update, at napag-uusapan nila ang dalawa na sa pagkakaalam daw nila ay may relasyon parin ang dalawa.


Kung hindi man nagrereact o nakikialam ang aktor, ay baka usapan na daw ito nilang dalawa.


Hanggang ngayon nga ay nananatili paring tahimik lang ang aktor, at kapansin-pansin din sa mga panayam kay Liza na hindi niya na nababanggit ang pangalan ng binata.


Ngunit sa vlog naman ni Cristy Fermin kasama sina Romel cheka, Wendell Alvarez ay napag-usapan nila na hiwalay na daw talaga ang LizQuen at hintayin na lamang daw na isang araw ay magsasalita na sila o aamin na sa tunay na estado ng kanilang relasyon.


Ayon nga ni Cristy Fermin, "Isipin mo dumating si Liza sa Pilipinas, hindi alam ni Enrique, hindi siya ang sumundo."


Tanong naman nina Wendell at Romel, "Baka naman gusto lang surpresahin si Ken?"


Pero matibay ang paniniwala ng Kulumnista na hiwalay na ang dalawa, at maghihintay nalang daw talaga sa mga araw na isa sa kanila ang siyang aamin.


Sa ngayon ay tila mailap parin itong si Enrique at hindi madalas makita sa camera maliban noong nagrenew siya ng kanyang kontrata sa ABS-CBN para sa mga gagawin niyang mga bagong projects.


Hirit naman ni Wendell na ang puting aso daw na alaga ni Enrique ang naglalarawan na sila parin ni Liza, dahil sa baby daw nila yun noon, na nakuhanan ng video habang naglalakad sa mall sakay sa stroller.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo