Totoo Ang Chismis! Samsara Naglabas Ng Panibagong Kanta Matapos Maisyung Hiwalay Na Sila Ni Bugoy Na Koykoy

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Tila nagkatotoo ang mga hinala ng ilang netizens na may panibagong kantang ilalabas ang ikalawang asawa ni Bugoy na Koykoy na si Samsara matapos lumabas ang balitang naghiwalay na sila.


Kamakakailan lamang ay napapabalitang naghiwalay na sina Samsara at Bugoy na Koykoy, subalit marami sa maga netizens ang hindi naniniwala rito dahil kamakailan lamang ay inilabas ng isang episode ng vlog ni Isko Moreno.


Sa isang episode ng Iskovery Night, makikita ang panayam ng dating Manila Mayor kina Bugoy na Koykoy at Samsara, kasama ang dalawa pang asawa nito.


Tila maayos pa naman ang relasyon ng mga ito kaya napapaisip ang ilang mga netizen na baka for the views na naman ang hiwalayang ito.


Gayunpaman, marami pa rin ang nagsasabing kung sakali mang totoo ang pag-iwan ni Samsara kay Bugoy na Koykoy ay sa wakas nagising na ito sa katotohanan at ninanais nang maghanap ng ibang lalaki na siya lamang ang mamahalin.


Samantala, hindi na rin makikita ang larawan ngayon ni Samsara sa mga social media posts ng 2 Joints. Makikita naman sa mga posts ni Bugoy na Koykoy na may bago na siyang babae na hindi pa niya ipinakilala.


Ang relasyon ng rapper sa kanyang tatlong babae ay isa sa mga interesting love team sa internet. Tinulungan ni Bugoy na Koykoy ang career ni Samsara loob ng mahigit dalawang taon nilang pagsasama.


Narito naman ang komento ng ilang netizens sa inilabas na panibagong kanta ni Samsara.


"You did a great job Samsara! Not all the time, mag wowork ang set up nyo. Sometimes you will think about your worth. You’re talented, maganda and d mo deserve yung set up na ganyan. Find a man who will love you fully at ikaw lng, wala ng iba. Fighting!!!"


" 'di na kaya ng dibdib maging pangalawa" 🥹 You made the right decision. Sobrang laki ng potential mo dahil talented ka. Happy for you! You'll grow pa. Ganda ng song na 'to"


"GLAD THAT YOU FOUND YOUR WORTH ✨ Lamang na lamang ka compare sakanila. Maganda ka, you can do household chores like them, tapos may talent kapa. Hindi ka pwedeng option lang.


"I hope makahanap ka ng lalaking papahalagahan at mamahalin ka ng walang kahati, yung IKAW LANG SAPAT NA. Ituloy mo yang mini vlogs mo, andito lang kami para suportahan ka."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo