Coco Martin at Julia Montes Inamin Nang Nagsasama For 12 Years

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Sa wakas ay inamin na ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes ang totoong estado ng kanilang relasyon na noon pa man ay naging usapin na sa mundo ng showbiz.


Matatandaang noon pang 2011, unang lumabas ang isyu na may romantic relationship ang dalawa. Sa kabila ng kaliwa't kanang pagtatanong at interviews ng dalawa, parehong tikom ang kanilang mga bibig.


Subalit, tila natatapos na ang kanilang pananahimik dahil sa kamakailang interview ng dalawa, pahapyaw nilang inamin na matagal na silang nagsasama at mutual decision nila ang pagpapanatiling private ng lahat.


Kamakailan lamang ay nakita silang magkasama sa watch party ng "Unbreak My Heart" na magka-holding hands. Magkatabi rin sila at nag-grabe ng pagkakataon ang TV Patrol MJ ​​Felipe na makapanayam at dito nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang pribadong relasyon.


Ayon mismo kay Coco Martin, hindi na sila mga bata ni Julia Montes at alam na umano nila ang kanilang mga ginagawa. Dagdag pa ni Coco Martin na kung ano ang nakikita at naririnig ng mga netizens sa kanilang dalawa ay iyon na yun.


“Mas masarap kasi yung pribado ang buhay eh, yung tahimik, walang mga isyu, walang mga ano. Eto masaya kami,” saad pa ng aktor.


Tahasan din inamin ni Coco Martin na kahit matagal na silang magkasama ay nais pa rin nilang magkasama sa trabaho.


“Napaka-sarap sa pakiramdam namin dahil ito, ilang years na, 12 years na kaming magkasama pero pareho pa rin gaya ng dati.”


Ipinahayag naman ni Julia Montes kung gaano siya ka blessed sa mga projects na natatanggap sa kanyang career.


Narito naman ang komento ng ilang mga netizens hinggil sa pag-amin nina Julia at Coco Martin sa kanilang relasyon.


"Yikes! 12 years means she was 16 and he was 29 then!!!! I fear she was groomed.... Miss me with that "privacy," "walang issue," and "God-centeredness"


"Finally they admitted. They just want a private life so let's me happy for them. CocoJuls till forever. Next sa pag Amin kasalan na yan. Abangan niyo."


"Umatras yung excitement ko as a passive audience nung nalaman kong 28 palang si Julia"


"Oh asan na ang Bata"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo