Jennica Garcia Inamin Na Ang Totoong Relasyon Nila Ni Christian Bables!

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Jerome

 


Sinagot na ng actress na si Jennica Garcia ang mga tanong ng netizens tungkol sa kung ano ang tunay na relasyon nila ng actor na si Christian Bables.


Mariing pinabulaanan ni Jennica Garcia ang ispekulasyong magkarelasyon sila ng actor na si Christian Bables.


Ito ay matapos na mapansing ng kanilang mga tagahanga ang tila kakaibang closeness nilang dalawa na makikita sa mga nagkalat nilang mga larawan sa social media na mapapansin  na talagang napaka sweet nilang tingnan.


Dagdag pa rito ang napaka sweet na tambalan nila sa serye na Dirty Linen bilang sina Lala at Max.


Mas lalo pa nga silang pinagdudahan at pinag-usapan ng mga netizens sa social media ng surpresahin ng actor si Jennica noong nagdaang mother's day.


Ngunit sa isang exclusive interview kay Jennica ay ipinahayag at nilinaw niya ang tunay na relasyon at kung sino si Christian sa buhay niya.


Ayon kay Jennica na matalik namagkaibigan at halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa.


Paglilinaw ng actress, "Ito nga po promise po pakiramdam ko po na malalaman naman ng tao if I'm lying or not, wala po talaga."


"Wala po talagang romantic na dating or anything like that between me and Christian. Like when I think of Christian I look at him and I see him as a brother."


Pagpapatuloy pa niya, "Siguro effective lang po yung potrayal ng Lala at Max, kaya siguro akala nila there is something going on beween us, pero wala po."


Ayon pa sa dalaga na malaki daw ang pasasalamat niya sa actor, dahil sa bukod sa pagiging sweet at malambing ay maasikaso din daw itong kaibigan.


Hindi rin daw ito nakakalimot sa mga espesyal na mga okasyon kagaya na lamag noong mother's day.


Aniya pa, "Magkasama kami noong Mother's Day  natuwa ako kay Christian. Kasi si Christian very sweet yan malambing kapagkasama ka niya, bubusugin."


"Mahilig siyang mag order ng foods, mahilig siyang kumain at ayaw niyang kumain mag-isa so we're always together."


Pagbabahagi pa ng actress na matagal na panahon na raw silang magkakilala at magkaibigan ni Christian. 


Ngunit ang pagsasama daw nila sa serye na Dirty Linen ang siyang mas nagpatibay pa sa kanilang samahan bilang matalik na magkaibigan. 


Hindi naman daw niya isinasara ang puso niya sa posibilidad na magkaroon ng nobyo, pero sa ngayon ay masaya daw siyang kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Christian at gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang kanilang friendship.


Dirty Linen is a Philippine drama television series broadcast by Kapamilya Channel. Directed by Onat Diaz and Andoy Ranay, it stars Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Seth Fedelin and Francine Diaz. The series premiered on the network's Primetime Bida evening block, Jeepney TV, A2Z and TV5 and worldwide via The Filipino Channel and Kapatid Channel on January 23, 2023.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo