Xander Ford, Nakamit Na Ang Hustisya, Dahil Magbabayad Na Si Christian Merck Grey

Miyerkules, Mayo 24, 2023

/ by Lovely


 Nagbubunyi ngayon ang social media personality na si Xander Ford Arizala matapos ipinahayag ni Christian Merck Grey ang pagsuko at magbabayad na sa sinisingil niyang 349 thousand na ipinangako ng content creator sa kanya noong hindi pa nabibinyagan si Baby Xeres.


Kamakailan lamang ay naglabas ng isang video si Christian Merck Grey kung saan sinabi niyang ibibigay na niya kay Xander ang sinisingil nitong pakimkim sa kanya kahit hindi naman umano siya inimbitahan nito sa binyag ni Baby Xeres.


Naaawa na rin umano siya sa anak ni Xander at Gena na nadadamay sa bashing dahil sa kakapalan ng mukha ng kanyang mga magulang.


Agad namang nagpost si Xander Ford at ipinahayag ang kanyang tuwa sa pagsuko at pagbabayad na ni Christian Merck Grey. Aniya pa, sa wakas ay nakamit na niya ang hustisya sa ginawang pagpapaasa ni Christian Merck Grey.


"Thank you lord, nakamit ko na ang hustisya na hinahanap ko," pahayag ni Xander Ford.


Tila nagbunga na ang pag-iiyak ni Xander Ford sa social media at tuluyang naawa sa kanya si Makagwapo.


Samantala may ibinahagi ring video si Xander Ford kung saan makikita siyang sumasayaw habang may malaking ngiti.


"When Merck Grey Paid," pahayag niya sa caption.


Umani naman ito ng mga reaction at komento mula sa mga netizens na patuloy pa ring binabash si Xander Ford dahil sa sobrang kapal na mukha nito.


"Marlou binigay na sayo yung hinihingi mo 349k, pero hindi ibig sabihin ay para sayo yun. Para sa anak mo yun kaya ang pera na yun ay ilaan mo para sa anak mo. Mag mature ka naman, wag kang isip bata."


"nagmakaawa ka nga lang e.

naging proud ka pa.

--yung ikaw na naka huthot dahil sa "pangako/sabi" daw. pero parang ikaw pa ung victim..

sana mag bago ka na. kasi karamihan sayo naaawa lang, pero still nagyayabang ka padin."


"kawawa naman si merk

di nakakatuwa hindi kasi sa lahat nang pagkakataon aasa ka sa mga taong nasa paligid mo , dapat marunon ka rin po mag kayud para sa pamilya mo"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo