Isang Drummer, Pinagtanggol Si Moira Dela Torre Laban Sa Mga Alegasyon

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang may nagtanggol sa singer na si Moira Dela Torre laban sa mga alegasyon ng composer na si Lolito Go.


Maging ang drummer ni Moira dela Torre na kasamang singer mula 2015 ay umalma sa aniya ay misinformation at alegasyon laban kay Moira.


Pagdidiin ng drummer na matagal nang nakasama ni Moira, hindi siya naniniwalang si Moira mismo ang unang nagcheat sa relasyon nito kay Jason Hernandez.


Ayon pa rito, hindi itatapon nang basta-basta ni Moira Dela Torre ang marriage niya lalo at nagka-trauma ito na lumaki sa isang broken family.


"All her life, she has lived with the trauma of witnessing infidelity and having a broken family. Her main goal was to not have a repeat of that. Can you blame her for her reaction?"


Pinabulaanan din niya ang paratang ni Lolito na isang credit grabber si Moira. Bagkus, si Moira pa umano ang nakikipaglaban sa tuwing may nalilimutang bigyan ng credits.


"She’s the first to fight for someone when he/she isn’t given the credit he/she is due. She finds a way to honor her band in every show even if, technically, we’re just session musicians."


Sa huli, tanging hiling nito na tuluyan nang magkaayos ang dalawa kahit hindi umano sila magkabalikan basta manumbalik ang dati nilang pagkakaibigan.


"Let’s not be too quick to believe lies and misinformation, and continue to pray for the couple as they resolve things PRIVATELY. Thank you, and Godbless."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo