Xian Gaza Sinabing Mahilig Sa Panglt Si Moira Dela Torre

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na rin ng kanyang saloobin ang Pambansang Marites at self-confessed scammer na si Xian Gaza patungkol sa kinakaharap ngayong isyu ni Moira Dela Torre at pagkakadawit sa pangalan ni Zack Tabudlo.


Kahapon, May 28, 2023 isiniwalat ng lyricist/composer na si Lolito Go na unang nanlamig si Moira sa pagsasama nila ni Jason dahil may nakita na itong bago sa katauhan ng isang lalaki na handa siyang tawaging Binibini.


Kaagad namang nahulaan ng mga netizens na ang tinutukoy ni Lolito ay walang iba kundi ang singer ng kantang Binibini na si Zack Tabudlo na naisyu na noon kay Moira.


Kaya naman hindi napigil ni Xian Gaza na mapareact at ipinahayag ang kanyang napapansin sa mga lalaking nagugustuhan ni Moira.


Ayon kay Xian nahihilig si Moira Dela Torre sa pagpatol sa mga lalaking chararat at base umano ito sa mga FACTS.


“I THEREFORE CONCLUDE NA ANG MGA TIPONG LALAKI NI MOIRA AY CHARARAT.”


Bukod rito, ibinahagi rin ni Xian Gaza ang isang screenshot ng convo nila ng hindi pinangalanang tao patungkol sa pagbibisita umano ni Zack sa bahay nila Moira.


Nilinaw din ni Xian sa kasunod na post na wala naman talaga siyang pakialam kina Moira at Jason at nakikisakay lamang sa isyu.


"Honestly, wala akong pake kay Jason at Moira simula't sapul. I don't give a single F. Nakikisakay lang ako at nakikisawsaw dahil trending. Highly engaging. Gusto ko lang yung feeling ng nakikigulo sa issue. Happy ako kapag may nasisirang buhay at relasyon."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo