Willie Revillame Tinatawag Ngayong Willie Reklamo

Lunes, Mayo 29, 2023

/ by Lovely

 


Ibinahagi sa isang Instagram post ng veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis ang kanyang saloobin hinggil sa kumakalat na isyu patungkol kina Willie Revillame at Viva.


Nauna nang naiulat na hindi na matutuloy ang Viva Tour ni Willie Revillame dahil sa hindi nila pagkakasundo sa hatian ng kita.


"Nakakatawa iyon issue ng hindi pagkatuloy ni Willie Revillame sa tour ng Viva , Salve. Dahil daw sa laki ng komisyon kukunin ng Viva kaya umatras si Revillame." 


Ipinahayag din ni Lolit Solis kung gaano kalaking kompanya ang Viva at ngayon lamang umano nangyaring may talent na nagreklamo dahil sa hatian ng commission.


"Ngayon lang nagkaruon ng isang star na nag reklamo tungkol sa komisyon. Katawa talaga si Willie Revillame. Lahat ng bagay meron siyang complaints. Meron siyang reklamo. Kaya ang tawag ng ilan sa kanya Willie Reklamo. Dahil konting bagay meron siyang nakikita."


"Dahil konting bagay meron siyang nakikita. Imagine mo, baka itong concert na ito pa sana ang makatulong para mabalik ang wala na niyang ningning na career, bulilyaso pa," dagdag pa ni Lolit Solis.


Pagpapatuloy pa ng kolumnista, "Hindi kawalan sa Viva ang pag atras niya. Ang daming artists ng Viva ang mas sikat pa kesa kay Willie Revillame noh, mas bongga at baka mas kumita pa ang concert di ba Salve at Gorgy."


Isa si Willie sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. 


Kilala siya bilang isa sa pinakamayamang showbiz celebrity sa Pilipinas. Nai-share din naman niya ang mga blessings na ito sa ilang game shows, na talagang pumatok sa masa tulad ng Wowowin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo