Gena Mago Labis Na Nasasaktan Sa Bashing Na Natanggap Maging Ang Anak Dinamay Pa

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 Hindi matanggap ng kinakasama ni Xander Ford Arizala na si Gena Mago na nadadamay na ang kanilang anak ngayon na si Baby Xeres sa pambabash ng mga netizens.


Ipinahayag niyang labis siyang nasaktan bilang isang ina na nadadamay na ang kanyang anak sa inis ng mga netizens sa kanila ng partner.


Sinisingil ngayon nina Gena Mago at Xander Ford si Christiang Merk Grey sa mga pangako nitong pera sa kanila bago ang binyag ni Baby Xeres.


Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa rin umano sila pinapansin nito.


Samantala, ipinahayag ni Gena Mago na hindi niya lubos akalain na idadamay ngayon ang kanyang anak ng mga bashers.


Hiniling kasi ng isang netizen na sana'y magkasakit ng malubha si Xeres upang makarma sila ni Xander Ford.


Ayon kay Gena Mago, hindi niya akalain makakatanggap ng ganitong mensahe sa mismong Mother's Day dahil napakasakit umanong madamay ang anak na wala pa namang kamuwang-muwang.


Dagdag pa niya, na handa siyang tumanggap ng bashing subalit huwag lamang sana umanong idamay ang kanyang anak. 


Gayunpaman, hindi na umano siya mgasasmpa ng reklamo at ipapasa diyos na lang ang lahat.


“SOBRANG SAKIT SA PUSO. GANDANG PA MOTHER’S DAY NAMAN


“PAGGISING KO ETO KAAGAD BUMUNGAD, IBANG USAPAN NA KASI KAPAG ANAK KO NA YUNG PAGSALITAAN NG GANIYAN PERO IPAGPAPASA DIYOS NALANG KITA ATE.


 “SANA LANG KUNG MAY ANAK KA OR KAPAG NAGKAANAK KA DIMO MARANASAN YANG GINAGAWA MO. OKAY LANG NAMAN SANA KUNG KAMI EH PERO ANAK KO NA YUNG INAANO MO KAYA SOBRANG SAKIT SAKIN BILANG MOMMY NIYA. DIYOS NA BAHALA SAYO,” saad ni Gena.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo