Pokwang May Mensahe Sa Mga Gumagamit Ng Public Swimming Pool

Linggo, Mayo 14, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi ang komedyante na si Mamang Pokwang sa mga taong walang respeto habang gumagamit ng mga public facilities.


Hindi napigil ni Pokwang ang sarili na magreact na matapos ilang ulit may napapansin sa mga taong naliligo sa mga public swimming pools.


Ayon kay Pokwang, napapansin niyang may mga taong hindi naliligo muna bago magtampisaw sa swimming pool. Pinayuhan pa niya ang mga hotel at resorts na magkaroon ng striktong policy tungkol sa pagliligo sa swimming pool.


Dagdag pa ni Pokwang na napaka-unhygienic naman ang hindi pag-shower muna bago maligo sa swimming pool dahil hindi pa natatanggal ang anumang dumi na dumidikit sa katawan.


“O eto ha bato2x sa langit tamaan wag magalit ha, napuna ko lang dapat mga hotel at resort na may pool bawal mag swim ang hindi muna mag shower kc pra doon na sila iihi bago lumublob at matanggal langis at dumi sa katawan?” tweet ni Pokwang.


“Ikaw ba bet mo maligo sa ihi ko? dba hindi? ako din kaya sinanay ko at mga ank ko na respeto sa mga gagamit ng pool kagaya namin. Umaahon kmi kapag iihi kahit sa sarili naming pool, respect ang tawag doon,” dagdag pa niya.


Ibinahagi pa ni Pokwang na tinuturuan niya ang kanyang mga anak na dapat maglinis muna ng katawan bago sumulong sa swimming pool kahit pa sa sarili nilang pool sila maliligo.


Ipinunto pa niyang respeto ang tawag roon, respeto sa mga kasamahan sa pagliligo.


Ayon pa kay Pokwang ilang beses na umano siyang nakakita ng mga taong diretso na lamang sa swimming pool at hindi man lang nirerespeto ang ibang makakasama niya roon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo