AJ Raval Iniwang Luhaan Ni Aljur Abrenica Babalikan Si Kylie Padilla?

Lunes, Mayo 15, 2023

/ by Lovely


 Mainit na usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms at entertainment sites ang isyung nagkabalikan na umano ang mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.


Ayon pa sa mga bulong-bulungan na masayang nagbabakasyon ngayon ang dalawa kasama ang kanilang mga anak sa Amanpulo.


Talagang tinupad na ni Aljur Abrenica ang kanyang pangako sa dalawang anak na magiging responsableng ama siya at makakasama nila sa lahat ng mahahalagang okasyon.


Subalit, naging malaking katanungan para sa mga netizens kung bakit bigla na lamang umanong nawala sa eksena ang girlfriend ni Aljur Abrenica na si AJ Raval.


Marami rin ang nagtataka kung bakit hindi na umano nakikita ang dalawa na magkasama. May mga nagsasabi pang tila muling sinusuyo na umano ngayon ni Aljur si Kylie Padilla upang makipagbalikan.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na baka matapos ang ilang buwan ng pagsasama nila ni AJ Raval ay nakita na ni Aljur Abrenica ang tunay na ugali nito.


Matapos umano nilang isapubliko ang kanilang relasyon, bigla na lamang umanong naging selosa si AJ Raval. Tila nagsasawa na umano si Aljur Abrenica sa ugaling ito ni AJ kung saan maging ang kanyang mga anak at si Kylie ay pinagseselosan na nito.


Nais umano ni AJ Raval na sa  kanya nalang ituon ni Aljur ang buong atensyon, subalit inalmahan ito ng aktor dahil mas priority niya ang kanyang dalawang anak kay Kylie Padilla na sina Alas at Axl.


Ito rin ang ipinangako noon pa man ni Aljur na kailanman ay hindi niya tatalikuran ang pagiging ama kina Alas a Axl kahit pa hindi na sila nagsasama ni Kylie.


Matatandaan na sa ilang nagdaang panayam kay Aljur Abrenica, hayagan niyang inamin na kailanman ay hindi nawawala ang pagmamahal niya sa kanyang asawa.


Hindi rin umano niya sinasara ang posibilidad na magkakabalikan silang muli dahil may parte na sila sa kani-kanilang puso.


Sa isyung ito tila tinutupad na ni Aljur Abrenica ang kanyang sinabi na balang araw ay babalik rin siya kay Kylie Padilla.


Matatandaan rin, na nitong February 14, lamang inamin nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang kanilang relasyon. Hindi na ito ikinagulat pa ng mga netizens dahil noon pa man ay nalilink na silang dalawa.


Samantala, mula noon ay malimit na rin silang nagpopost sa social media ng mga larawan na magkasama. Tila nagkaroon na rin sila ng kanya-kanyang buhay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo