Ganito Pala Ang Hirap Ni Anjo Yllana Noon Sa Eat Bulaga Puro Utang Kay Bossing Vic Sotto!

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Jerome

 


Naging kaawa-awa pala ang kalagayan noon ng Tv host actor comedian na si Anjo Yllana, dahil halos isang taon din daw siyang hindi sinuwelduhan ng pamunoan ng TAPE incorporated sa Eat Bulaga.


Tulad kay Vic Sotto ay ganito din pala ang nangyari kay Anjo Yllana.


Ngunit ang pagkakaiba lamang nila ay walang pundong pera daw itong si Anjo.


Kaya naman kung kani-kanino na daw siya humihiram ng pera noon.


Kahapon ay masayang ibinalita ni Bossing Vic Sotto na siya ay binayaran na ng mga Jalosjos, sa utang nilang umaabot sa 30 million pesos.


Ang halagang ito ay ang talent fee ni Vic Sotto na naipon. At dahil nga sa na media ito ay kaya binayaran na si Vic Sotto ng kampo ng pamunoan ng TAPE incorporated.


Sa katunayan daw ay May 6 pa daw ibinigay ang tseke kay Vic Sotto.


Samantala, dahil sa issue na ito ay ibinulgar din ng dating host ng Eat Bulaga na si Anjo Yllana ang naging karanasan niya sa naturang programa.


Ayon sa kanya na masaya naman daw siya sa show, ngunit dumating daw yung oras na hindi siya nasahuran na umabot ng halos isang taon.


Ayon pa sa kanya na pumapasok daw siya noon sa Eat Bulaga kahit na walang sahod.


Kaya ang nangyari ay puro utang ang inabot niya, sa katunayan ay masmadalas daw siyang makahiram noong kay bossing Vic Sotto. 


Kung kani-kanino nalang daw siya umuutang ng pera noon dahil wala daw siyang ibang mapagkitaan noon kundi ang Eat Bulaga lang.


Dahil daw dito ay pinagdududahan na raw tuloy siya ng kanyang asawa kung saan niya daw dinadala ang perang sahod niya sa Eat Bulaga.


Ganun paman ay nagpatuloy parin daw si Anjo sa kanyang trabaho at nakaraos din naman sa pang-araw-araw.


Hanggang sa dumating ang panahon ng pandemic at dito nga ay unti-unti na daw siyang binabayaran ng pamunoan ng TAPE incorporated.


Sa ngayon ay wala nang show si Anjo, pero binigyan naman siya ng kanyang mapagkakakitaan sa paghahanapbuhay.


Dahil binigyan siya ng trabaho ni Jingoy Estrada ng siya ay nag-apply sa opisina ng Senador.



 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo