Producer Ng Concert Ni Vice Ganda, Pinabulaanan Ang Mga Paninira Ng Mga Front Acts Sa Concerts

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Pinabulaanan ng concert producer ni Vice Ganda sa US ang kuwentong isiniwalat ng mga front-acts ng nasabing event na kasama sa pagpeperform ni Vice Ganda sa  concert.


Matatandaang nagreklamo sina Gene Juanich at Garth Garcia sa natanggap nilang pagtrato mula kay Vice at sa kanyang assistant.


“Gusto ko pong ipaalam sa buong entertainment world ang pambabastos na ginawa sa amin ng assistant ni Vice Ganda during the show. Bale reaction ko po ito at kompirmasyon sa reklamo ni Garth Garcia na naisulat sa PEP, na pareho kami ng naranasan sa tao ni VG," saad ni Gene.


Pagdedetalye pa ni Gene, “During our rehearsals po sa mismong stage, lagi kaming sinisigawan ng babaeng assistant ni VG na dapat daw, hanggang dito lang kami sa area na ito, very rude ang kanyang pagsasalita na para lang kaming mga langaw."


"Sila ang dayo at bisita lang dito sa US, kami ang taga-rito kaya dapat sila ang maging polite at magkaroon ng respeto sa amin sa pag-support namin sa show ni VG.”


Samantala, ibinunyag naman ng concert producer ni Vice Ganda, na si Amor Yu ang kanilang panig, pinabubulaanan niya ang mga pahayag nina Gene Juanich at Garth Garcia laban sa kampo ni Vice Ganda.


Iginiit din niyang walang ipinakitang masama sina Vice Ganda at ang assistant nito sa concert.


“Nagkakasiyahan daw ang grupo ni Vice na inaawitan pa ng ‘Happy Birthday’ ang kanyang assistant at pagkatapos ay sinabihan lamang nito ng malumanay ang mga nasa hallway na nakatanghod sa labas ng kwarto ni Vice ng ‘Excuse me po, magbibihis lang po si Vice para sa Meet & Greet!’” saad nito.


Nilinaw din niyang hindi guest artist si Garth sa naganap na concert ni Vice na naunang iginiit nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo