Mga Celebrity Nag-React Sa Lutang Moment Ni Angeline Quinto Sa ASAP!

Martes, Mayo 9, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at maging sa  kapwa niya celebrities ang kumakalat na video ni Angeline Quinto kung saan namali siya ng pagpasok sa ASAP performance niya noon.


Makikitang bigla na lamang rumampa si Angeline Quinto sa stage habang nagpeperform pa sina Klarisse De Guzman at Jed Madela.


Nang matauhan ay agad namang umalis si Angeline subalit tila huli na ang lahat dahil nakita na siya ng mga viewers.


"Namasyal lang talaga ako, sarap maglibot sa studio ✌️ Next time join kayo @Klarissedguzman @jedmadela," pabirong re-tweet ni Angeline sa kanyang video.


Maging ang ilang mga netizens at kapwa ni Angeline ay natatawa na lamang sa nangyari sa live performance ng ASAP.


"jusko @ASAPOfficia ayusin niyo naman ang production number niyo.. dapat tinatanggal na kasi dapat si @darLasauLer pinagtatawanan na kayo @ABSCBNpr @ABSCBN @starmagicphils ayusin niyo naman ang @ASAPOfficial di kasi marunong makinig sa viewers nagiging cheapepay na kayo"


"Hahahaha! Kahit naman saan sigurong live performances nangyayari to. Pero sana wag na maulit."


"Ang lala  grabe na ah for the show na lang ba tayo? Or papunta na comedy show?! Haha"


"Kahit pala mga singing champions nagkaka-bloopers pa din they're very natural. Tawang-tawa lang talaga ako kay Angeline Quinto na ng dahil sa aborted performance ni Klarisse de Guzman idinaan na lang sa rampa!"


Samantala, naunang naibalita ang pagblock ni Angeline Quinto sa naunang nagpost ng throwback video ng lutang moment ni Angeline na siyang ibinahagi mismo nito kanyang tweet.


Hindi naman nagbigay ng dahilan ang singer kaya hinuha noon ng ilang netizens na talagang nainis si Angeline ng muling maungkat at dati niyang pagkakamali.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo