Belle Mariano Swerte Kay Donny Pangilinan!

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Jerome

 


Talagang napaka swerte ng actress na si Belle Mariano sa kanyang ka loveteam na si Donny Pangilinan.


Dahil bukod kasi sa pagiging masipag nito, mabait,maka diyos, masunoring anak, gwapo, madiskarte, matalino, talentado, ay mayroon din itong ginintuang puso para sa kanyang kapwa.


Sa kabila nga ng pagiging busy ng actor ay nagagawa parin nito na magcharity work, sa mga gwardiya ng kanilang village kung saan ay namigay ito ng mga sapatos.


Ibinahagi ng isang netizen na nag ngangalang si Rhea Bautista, sa kanyang facebook account ang mga larawan at video ni Donny Pangilinan na namimigay ng mga sapatos sa mga guard.


Mababasa naman sa caption ng post na ito na pinuri nito ang kabutihang loob ni Donny Pangilinan.


Aniya sa caption, "Ang Bait Naman ni Donny Pangilinan,Namigay Ng Shoes sa mga guard Dito sa Garage sale sa Ayala Westgrove Heights. God Bless you Donny."


Samantala marami naman sa mga fans ng Donbelle ang nag-aabang at excited na  mapanood ang actor na maglaro para sa basketball team ng star magic, 


Ito ay para sa up-coming allstar games 2023, ngayong darating May 21, 2023.


Inaabangan din ng mga ito ang pagchecheer ni Belle habang naglalaro si Donny Pangilinan.


Kaya naman hiling ng karamihan sa kanilang mga tagahanga na sana daw ay maging sila na nga talagang dalawa.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo