Arjo Atayde Gusto Lamang Ng Tatlong Anak

Biyernes, Mayo 12, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi na makakapaghintay ang actor-politician na si Arjo Atayde na magsimula ng pamilya kasama ang kanyang long time girlfriend at soon to be wife na si Maine Mendoza.


Sa isang panayam kamakailan, ibinahagi ng 32-year-old actor ang kanyang kagustuhan ng magkaroon ng sariling pamilya, na maging ama. Inamin din ni Arjo Atayde ang pagnanais na magkaroon ng tatlong anak.


Naging bukas na rin ang aktor sa usapang tungkol sa mga plano nila in the future kasama si Maine.


"Whatever it is that we could have in the future, definitely in the near future it's part of our plan. Kung ano ang ibigay ng Diyos. But definitely three at least in God's time, or let's see," pahayag ni Arjo Atayde.


Naganap ang engagement proposal ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza noong July 2022 matapos ang mahigit tatlong taon na magkarelasyon.


Matatandaan na naunang inamin ng dalawa ang kanilang romantic relationship noong December 2019. Matapos mamataan ng mga netizens na sweet na magkasama.


Samantala ipinahayag ni Arjo Atayde na noon pa man ay nakikita na niya ang future kasama si Maine Mendoza kaya nasasabi niya ito na ang babaeng para sa kanya.


"Very hard to explain how a person can be unique the way you see them. But to me, she's a very loving person, mabuti ang puso niya. That's also very hard to find, 'yung sincerity. And grabe magmahal."


"But 'yun po, hindi ko po ma-explain. Grabe po, eh. It's a different way of... iba po, eh. I'm overwhelmed with the way I love her and she loves me back. It's a different understanding. I think I found a best friend [and] partner."


Sa kabilang banda, nanatiling tahimik si Arjo Atayde sa iba bang detalye ng kanilang kasal ni Maine Mendoza. Aniya, mas pinili nilang maging pribado ang kanilang pag-iisang dibdib.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo